CAMARINES NORTE- Nananatiling nasa low risk level ang healthcare utilization rate sa lalawigan ng Camarines Norte sa kabila ng mga naitatalang pagtaas ng kaso ng COVID- 19.
Batay sa datos ng Department of Health nasa 32. 6 % ang COVID- 19 bed utilization sa probinsiya, 44. 7 % ang naitalang pagamit sa isolation beds for COVID, 19. 4 % sa COVID ward beds at walang naitalang pagamit sa ICU beds for COVID.
Habang 27. 3 % naman ang naitalang paggamit sa mechanical ventilators.
Patuloy naman ang apela ng DOH sa publiko na sundin ang health protocols upang maiwasan ang pagkakasakit na posibleng maging dahilan ng pagkapuno ng mga ospital.
Nasa mga kamay umano ng bawat isa ang tagumpay laban sa COVID- 19 kaya hindi dapat ipagwalang bahala ang pagsunod sa minimum health standards lalo na ngayong mayroong banta ng Omicron variant.
Dati na ring umapela ang departamento sa mga ospital sa rehiyon na sundin ang guidelines sa pagtanggap ng mga pasyenteng may Covid.
Limitado lang kasi ang resources ng mga ospital kaya ang severe at critical cases lamang ang dadalhin.
Ilang COVID patients naman ang naka -isolate na lang sa bahay dahil puno na ang Temporary Treatment and Monitoring Facility ng LGU.
