DOH hinimok ang bawat isa na isabuhay ang zero waste lifestyle

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Department of Health ang bawat isa na isabuhay ang zero waste lifestyle o ang responsableng pag -manage ng basura.

Sa isinagawang virtual Press Conference kahapon, binigyang diin ni Engr. Lea Angela  Castillo, Environmental Health Coordinator ng DOH Bicol na importante ang waste segregation sa household level pa lamang.

Ginawa ang Media dialogue kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng Zero waste month ngayong Enero na naglalayong i- promote ang mga adbokasiya upang masolusyunan ang problema sa basura.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Ipinalala rin nito sa mga health facility ang tamang disposal ng infectious waste lalo na ngayong nasa gitna ng pandemya.

Mayroon na umanong guidelines ukol dito na dati pang ipinaalam at natalakay sa mga stakeholders hinggil sa kung papaano ang tamang disposal sa infectious waste.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Dapat umanong maging maingat ang mga health facility sa pag- dispose ng infectious waste dahil posible itong maging dahilan ng pagkalat ng nakakahawang sakit.

Hindi aniya pinahihintulutan na basta na lamang itapon kung saan- saan ang mga infectious waste

Masusi rin umano itong minomonitor ng Environmental Management Bureau at may mga parusang maaaring kaharapin ang mga health facility sa lalabag sa mga umiiral na batas.