Operasyon sa mga lumalabag sa Land Transportation and Traffic Code pinaigting ng PNP

CAMARINES NORTE- Pinaigting ng Philippine National Police ang operasyon kontra sa mga lumalabag sa Republic Act 4136, o mas kilala bilang Land Transportation and Traffic Code sa gitna na rin ng mas mataas pa ring bilang ng mga nanangyayaring aksidente sa kalsada.

Sa isinagawang pagpupulong ng Municipal Advisory Council for Police Transformation and Development nitong Lunes, inihayag ni PMaj Melvin Atacador, hepe ng Basud Municipal Police Station  na mataas pa rin ang mga naitatalang aksidente sa kalsada sa kaniyang area of responsibility.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Hindi raw talaga maitatanggi na madalas ang aksidente dahil highway na daanan ng iba’t- ibang uri ng sasakyan.

Nakatulong ang isinasagawang Comelec checkpoint dahil na rin sa presensya ng mga awtoridad.

Hindi naman daw kasi pwedeng maglagay ng permanenteng barikada sa kalsada.

Importante umano ang presensya ng mga pulis at ang ginagawang oplan sita.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Batay sa datos ng Basud MPS mula December 2021 hanggang January 2022 nasa 84 ang mga nahuling violator sa 94 na isinagawang operasyon sa nabanggit na panahon.

Lahat ng mga nahuli ay inisyuhan ng Traffic  Citations Ticket (TCT).

Wala na rin ngayong Oplan Lambat Bitag Sasakyan na lingguhan namang ginagawa ng Highway Patrol Group sa iba’t- ibang bayan makaraang ipatigil ng pamunuan nito noong huling bahagi ng 2021.