Health and sanitation sa loob ng evacuation centers sa Albay, tututukan ng PGA

LEGAZPI CITY – Nais tutukan ang kalusugan at sanitasyon ng mga evacuation centers sa lalong madaling panahon ayon sa Pamahalaang Panlalawigan ng Albay.

Ayon kay Gov. Edcel “Grex” Lagman, dapat umanong mas matutukan sa lalong madaling panahon ang ilang mga problemang kinakaharap tungkol sa kalinisan at sanitasyon sa mga evacuation centers sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Lagman, nararapat umanong mabigyan ng aksyon ang nararanasan ngayong mga problema sa mga evacuation sites, lalo na ang mga hinaing ng ilan sa mga libu-libong mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers dahil sa patuloy na pag-alboroto ng bulkang Mayon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ipinag-utos ni Lagman sa mga concerned offices na mas tutukan pa ang kalusugan ng mga bakwit ng Mayon at kalinisan ng evacuation centers sa ilang mga munisipalidad sa nasabing lalawigan.

Ayon pa kay Lagman, dapat umanong matutukan ang sanitation and hygiene, kung saan sinabi pa ng gobernador na dapat ay makitaan ng improvement ang nabanggit na mga concerned issues.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Dahil rin sa tumataas na kaso ng respiratory illnesses sa mga evacuation centers, sinabi ni Lagman na tuloy-tuloy umano ang ginagawang mga hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO).

Ayon sa Gobernador, nagsasagawa ng medical missions at health consultation sa mga evacuation centers ang ilang mga tauhan ng PHO araw-araw.