Identified poor households sa 6 na lalawigan sa Bicol Region, umabot na sa mahigit kalahating milyon – DSWD Bicol

LEGAZPIU CITY – Umabot na sa 541,137 ang bilang ng mga identified poor households sa anim na lalawigan sa rehiyon ng Bicol ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol.

Ayon kay DSWD Bicol Regional Director na si Norman S. Laurio, ang Camarines Sur ang may pinakamataas na bilang sa listahan ng may mga identified poor households sa buong rehiyon, kung saan ito ay nakapagtala ng 184,667; sumunod ang Albay na mayroong 102,009; habang ang Masbate ay nakapagtala ng 96,499 na sinusundan ng Sorsogon na may 79,604; samantalang nakapagtala naman ng 61,542 ang Camarines Norte, at pinakahuli ang Catanduanes na mayroong 16, 826 na bilang ng identified poor households.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Pagdating naman sa 4Ps, mayroong 370,180 kumpirmadong bilang ng mga nairehistrong active at registered household beneficiaries ng nasabing programa – kung titingnan ang datos noong Nobyermbre 2022, na 320,079 ang mga babae habang 50,101 naman ang bilang ng mga lalaki.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ayon naman sa Sustainable Livelihood Program (SLP), mayroon nang PHP342,122,970 ang naipaabot na tulong sa 21,715 na mga household beneficiaries mula sa 17, 566 households.