₱150K supplemental budget inilaan ng MDRRM para sa mga magsasaka sa Milaor kaugnay ng inaasahang  epekto ng El Niño

NAGA CITY – ₱150, 000.00 ang inilaang supplemental budget sa mga magsasaka sa Milaor Camarines Sur kaugnay sa pinaghahandaang posibleng epekto ng El Niño Phenomenon sa bansa ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay MDRRMO Head, Edwin Olitoquit.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Aniya, gagamitin ang pondo para makabili ng mga binhi ng mga gulay na ipapamahagi sa mga magsasaka sa bayan, inerekomenda na rin kasi nila kasama ang Municipal Agriculture Office na sa halip na mga palay ang itanim sa mga sakahan pansamantalang mga gulay muna na hindi gaanong nangangailangan ng tubig.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kahit kasi walang El Niño kapag ka sobrang init na rin ng panahon ramdam ang pagbawas ng tubig sa mga irigasyon sa bayan.

Dagdag pa ng opisyal, ayuda na rin ito para sa kanilang mga magsasaka, at kasalukuyang nasa pangangalaga na ng MAO upang maipa-apruba sa Provincial Government.