Halos 20% na kitang nabawas sa ilang jeepney driver sa Naga City, hindi alintana

NAGA CITY – Nabawasan ng halos 20% ang kita ng ilang jeepney driver sa lungsod ng Naga, matapos na mapansin ang matumal na pasahero dahil sa matinding init ng panahon.

Ayon kay Jerry Martines, driver at miyembro ng Naga City Transportation Cooperative, biyaheng Cararayan – San Isidro, sinabing may pagbaba man sa kita hindi naman gaano alintana kaysa naman sa maulan, minsan kahit papaano lalo na kung may pasok nakaka-apat o limang ikot pa sila at naghihintay ng 10 hanggang 15 minuto sa pila, puno man o hindi aalis sa pwesto, na nai-uuwi ang nasa P400.00 hanggang P700.00 na kita sa pamilya sa huling ikot ng pasada, ang mas inaalala lang nila ngayon ang kalusugan lalo na’t ang ilang driver mataas ang blood pressure.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station
Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa panayam naman kay Johnny Tuyot, Dispatcher ng NACITCO, ramdam na ramdam ang init ng panahon kaya maging pagbaon ng tubig mahalaga, pagdating naman sa posibleng paglipat sa kinalalagyan nila, may naging pag-uusap na rin ang opisyal ng kooperatiba.