Isang Pilipina sa UAE, patay matapos masunog ang isang residential building

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkasawi ng isang babaeng Pilipina sa Sharjah, United Arab Emirates matapos sumiklab ang sunog sa isang residential building.

Isa namang Pilipinong skilled worker ang sugatan, habang 11 pang Pilipino na kinabibilangan ng dalawang bata ay nailikas na mula sa gusali.

Ayon kay DMW Officer-in-charge Hans Leo Cacdac, ibibigay ng gobyerno ang kinakailangang tulong pinansyal sa mga biktima ng sunog, pati na rin ang legal na tulong sakaling kailanganin.

Dagdag pa nito, nakipag-ugnayan na sila sa pamilya ng mga biktima, at naghihintay na lamang go signal mula sa mga lokal na awtoridad para ituloy ang pagpapauwi sa labi ng biktimang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *