Driver patay, 9-katao sugatan sa naaksidenteng bus sa Pagbilao, Quezon

Patay ang driver ng isang bus habang sugatan naman ang siyam (9) na katao matapos maaksidente sa Barangay Ibabang Palsabangon, Pagbilao, Quezon nitong Martes, Abril 9.

Ayon sa police report, hindi umano natantya ng driver ng bus ang pakurbang bahagi ng daan at nasalpok ang dalawang bahay sa gilid ng kalsada, dalawang motor, puno ng mangga, wire ng Meralco at ang isang 67-anyos na ginang.

Dead on the spot ang driver habang isinugod naman sa hospital ang siyam (9) na biktima para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, nagpapagaling na ang mga biktima habang nagkasundo na rin ang mga panig sa mga usapin hinggil sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *