Guro sa Bula National High School, nakaimbento ng Module Disinfecting Machine

NAGA CITY—Dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic sa Edukasyon, naging flexible ang ilan sa mga guro bukod sa paggamit ng mga modules para maitawid ng ligtas ang pagtuturo sa kanilang mga mag-aaral.

Isa na rito ang naimbento ni Teacher Jhomar Jaravata ng Bula National High School na Module Disinfection Machine.

Ayon sa guro hango sa kaniyang pangalan ang naimbento niyang proyekto na J.H.O.M.A.R o Jeepney –typed Health Protection Machine Applying Robotics.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa pamamagitan aniya ng machine na ito, ay hindi na kinakailangan pang ibilad sa araw o sabuyan ng disinfectant isa-isa ang mga ipinamimigay na module. Dito, isasalang ang mga module para ang makina na mismo ang magdisinfect gamit ang disinfectant chemical at UV lights.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kaya aniya nitong i-disinfect ang nasa 19,200 na modules sa loob ng walong oras.

Hinangaan naman ng mga kapwa Guro at ng pamunuan ng Bula National High School ang imbensyon na ito ni Teacher Jhomar na aniya’y magsilbi sanang inspirasyon sa iba na huwag tumigil sa paglikha ng mga kapaki-pakinabang na bagay lalo na ngayong may pandemya.