Guro, patay sa riding-in-tandem sa Lipa City

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril sa isang lalaki sa Saint Peter Subd., Brgy. Tambo, Lipa City.

Kinilala ng Lipa City Police Station ang biktima na si Richard Bon, 36 anyos, isang guro at residente ng nasabing lugar.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, umaga ng ika-19 ng Abril habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo ang biktima sa loob ng nasabing subdibisyon ng bigla na lamang lapitan ng dalawang hindi pa nakikilalalng lalaki na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ng malapitan.

Nagtamo ng tama ng baril sa ulo ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo sa hindi nalamang direksyon.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng kalibre 45 na armas at isang piraso ng bala.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng follow-up operation ang kapulisan para tugisin ang mga suspek.