Umaapela ang US government sa court ruling na nag-aalis sa federal mask mandate sa public transport ngayong linggo.
Sinabi ng tagapagsalita na si Anthony Coley na agad na umapela ang Justice Department matapos kumpirmahin ng US Centers for Disease Control and Prevention na mahalaga pa rin ang pagsusuot ng mask para maprotektahan ang kalusugan ng publiko.

Iginiit naman ng US Federal Judge na paso na ang statutory authority ng CDC hinggil sa COVID-19 mask mandate.
Una nang nagpasya ang mga mambababatas sa Washington na ma-extend ang pagsusuot ng mask hanggang May 3.
Matatandaan na marami nang major airlines ang nag-alis ng mask requirements sa kanilang domestic flights at ilang international flights gayundin ang ride-hailing services na Uber at Lyft.