Inihalintulad ni UK Prime Minister Boris Johnson ang pakikipagnegosasyon kay Russian President Vladimir Putin sa pakikiusap sa isang buwaya habang nakasakmal sa paa ng kanyang biktima.
Sinabi ni Johnson na posibleng makipag-negotiate lang si Putin kapag nakuha na niya ang “position of strength” sa Ukraine.

Nagbabala si Johnson na posibleng tinitingnan ngayon ng Russian leader na maglunsad ng panibagong pagsalakay sa capital city ng Kyiv.
Kumbinsido si Johnson na gusto ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na mapaalis ang Russian forces sa eastern Ukraine pero dapat aniyang ikonsidera ang Crimea na naging annex ng Russian forces noong 2014.
Una nang inihayag ni Zelensky na ipapaubaya niya sa mga mamamayan ng Ukraine ang pagpapasya sa magiging kinabukasan ng kanilang bansa.