Naniniwala si Presidential Anti-Organized Crime Commission spokesperson Winston Casio na gumamit ng private plane si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo palabas ng bansa.
Sinabi pa ng PAOCC na posible ring humihiling na si Guo ng political asylum sa ibang bansa.

Ito ay karapatan ng isang dayuhan ng mamuhay sa ibang bansa sa gitna ng political prosecution.
Ayon kay Casio, malabo na ring makabalik pa ang pinatalsik na alkalde sa China dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal na POGO.
Una ng lumutang ang pagtangka ni Guo sa pagtawid sa tinatawag na golden triangle region.
Ang Golden Triangle ay ang bulubunduking rehiyon sa pagitan ng Laos, Myanmar, at Thailand. Kilala ito bilang pugad ng ilegal na droga at mga triad at ang ilang sangay ng sindikato dito ay may malawakang operasyon na rin umano sa iba pang bansa sa Southeast Asia.
Naniniwala naman ang PAOCC na nanatili sa isang hotel sa Indonesia si Guo.