Umano’y pagsagip ng CCG sa Pilipinong nahulog sa dagat, fake news – NTF-WPS

Iginiit ng National Task Force for the West Philippines Sea na fake news ang mga pinapakalat ng China na sinagip umano nila ang personnel ng Pilipinas na nahulog sa dagat.

Ito ay kasabay ng nangyaring engkwentro sa pagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
at CCG sa Escoda Shoal na nagdulot ng engine failure sa barko ng Pilipinas.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Ayon sa BFAR, malinaw na isa nanaman itong imbentong kwento ng China  na nililihas ang katotohanan.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Panawagan ng Pilipinas sa China na tigilan na ang mapang-udyok na mga hakbang na gumugulo sa kapayapaan at seguridad.

Nanatili aniya ang Pilipinas sa pagtindig sa karapatan sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea at 2016 arbitral Award.