Library sidewalk sa Makati City, hinangaan ng mga netizens

‘Reader today, leader someday’ yan ang pinatunayan ng isang 72-year-old na lolo matapos siyang maglagay ng library sa sidewalk para sa mga gustong magbasa at kailangan ng libro na tumagal na ng dalawang dekada.

Ayon kay Mang Nanie, nagsimula ang ‘Reading Club 2000’ na mayroon lamang 50 libro para sa madla.

Sa loob ng halos 24 na taon, naging makabuluhan sa mga dumadaan at pumupunta at mga gustong magdonate ng libro ang sidewalk library niya sa Makati City.

Kinagilawan naman ng netizens ang ginawang ito Mang Nanie at sinabing isa siyang inspirasyon sa marami.