Grupong PISTON, sumugod sa Recto Avenue sa Maynila para ipanawagan kay PBBM na wag alisin sa kalsada ang mga unconsolidated na jeepney

Ngayong ginugunita ng PISTON ang ika-43 anibersaryo nito na nagpapatunay sa paglaban para sa Karapatan at kagalingan mga manggagawa sa sector ng transportasyon,

Sumugod ang mga ito sa Recto Avenue sa Maynila para ipanawagan kay pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag tanggalin sa kalsada ang mga unconsolidated na jeepney dahil sa ito raw ang naging pangako ng Pangulo.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Samantala hindi naman sila lalahok sa ikinasang tigil pasada at pagkilos ng grupong MANIBELA sa susunod na Linggo at sa halip ay maglulunsad sila ng mga hiwalay na aktibidad.

Ayon kay Ruben Baylon, Deputy Secretary General ng PISTON, ang itutuloy nila ay ang pagkilos sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kabilang na ang kamara at LTFRB.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sa June 11, magkakasa sila ng kilos protesta sa harapan ng korte suprema para muling manawagan na aksyunan ang nakabinbin nilang petisyon laban sa PUV Modernization Program.