Kahandaan ng mga LGU sa Region V laban sa sakuna, pinatitiyak ni PBBM

Tuloy-tuloy ang paghahanda ng pamahalaan para sa panahon ng tag-ulan, gayundin sa pagtama muli ng mga malalakas na bagyo at pag baha.

Kaugnay nito inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga local government unit at lahat ng mga ahensya ng pamahalaan sa Region 5, na suriin muli ang mga plano para maging handa sa tuwing may banta ng sakuna.

Lalo na’t marami anyang dumadaang bagyo sa nasabing rehiyon.

Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng financial assistance sa Legazpi city, sinabi ng Pangulo dapat siguraduhin ng mga LGU na magiging ligtas ang lahat ng mga residente sa oras ng kalamidad.

Tiyakin na may sapat na supply ng pagkain at pangunahing pangangailangan ang mga maaapektuhan ng kalamidad.

Sa panig naman anya ng national government, sinabi ng Pangulo na patuloy silang naka subaybay at naka agapay sa mga local government unit sa anumang sitwasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *