Grupo ng mga doktor, nagbabala sa pagmamadali na maibaba ang alert level sa NCR

Nagbabala ang grupo ng mga doktor laban sa pagmamadali ng ilan na maibaba na ang alert level sa Metro Manila dahil sa bahagyang pagbaba ng bilang ng COVID-19 transmission.

Sinabi Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin na dapat ay mag-obserba pa ng ilang linggo ang mga otoridad upang makita ang statistics.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Nababahala si Limpin na posibleng hindi talaga naipapakita sa current numbers ang actual COVID-19 infections sa Metro Manila dahil marami ang hindi na nagpapasuri.

Kinumpirma naman ni Limpin na posibleng mas safe na magpasya ang mga otoridad kung ibababa ang alert level sa NCR pagkatapos ng February 15.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Suportado naman ito ng dating consultant ng National Task Force Against COVID-19 na si Dr. Tony Leachon na nagsabing posibleng premature kapag ideklara na ang alert level 2 sa NCR.