Apat sa limang Pilipino na nabakunahan laban sa COVID-19 ang handang kumuha ng booster doses.
Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Station (SWS) Survey na isinagawa mula Disyembre 12 hanggang 16.

Mula sa 80% na handang kumuha ng booster shots, 73% dito ang tiyak na kukuha ng booster at 7% na nag-aalangan kumuha nito.
Pitong porsyento naman ang nagsabing ayaw nila, 3% ang sumagot ng ‘marahil ay hindi’, at 3% ang hindi magpapa-booster.
Sinabi din ng SWS na ang natitirang 13% ay hindi sigurado tungkol sa pagkuha ng booster shot ng COVID-19 vaccine.
Ang Fourth Quarter 2021 Social Weather Survey ay isinagawa mula Disyembre 12-16, 2021, gamit ang face-to-face na panayam sa 1,440 na nasa hustong gulang sa buong bansa.