Greenhouse gas emission at anti smoke belching monitoring sa Naga City, nagpapatuloy

NAGA CITY – Nagpapatuloy ang monitoring at pag-survey ng Naga City Environment and Natural Resources Office sa greenhouse gas emission at mahigpit na pagpapatupad ng Anti Smoke Belching upang mapanatili ang malinis na kalidad ng hangin sa lungsod.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Marvin Sagun, Environmental Specialist II ng Air shed Management Division na nasa 12,000 household na an natapos nilang kunan ng survey base sa kanilang pinakahuling tally. Kinuha ng opisina ang datos na ito simula Enero hanggang Hunyo ngayong taon at bago matapos ang taon, tututukan naman nila ang mga business establishments. Ilan sa mga titignan nila sa mga establisyemento ang generator at electricity usage maging ang cooking fuel usage ng mga restaurant at fast food chain.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Kabilang din sa mga hakbang sa pagpapanatili ng malinis na hangin ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Smoke Belching kung saan 75 hanggang 100 na mga sasakyan ang kailangan nilang mainspeksyon bawat buwan upang masiguro na malinis pa ang tambutso at makina ng mga ito at matiyak na sumusunod pa sila sa air standards.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Aniya, ang mga mahuhuling hindi sumusunod sa standards na itinalaga ng opisina ay bibigyan nila ng environment citation ticket at penalidad na 1,000 para sa mga jeepney at van habang 2,000 naman sa mga truck at bus.