Go tiniyak na patuloy na maglilingkod si PRRD sa taumbayan hanggang sa huling araw ng termino

Nanindigan si Senador Christopher “Bong” Go na ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng kanyang makakaya sa paglilingkod sa bansa at patuloy na gagampanan ang kanyang tungkulin bilang Pangulo hanggang sa huling araw ng kanyang termino.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos sabihin ni Pangulong Duterte, sa kanyang Talk to the People address noong Pebrero 7, na naiimpake na ito ang kanyang mga gamit para mabakante niya nang maaga ang Palasyo ng Malacañang.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

“Ganun naman talaga ang buhay. Lahat ng bagay ay may pagtatapos. Kaya naghahanda na si Pangulong Duterte dahil alam naman nating patapos na ang kanyang termino,” ani Go.

Nagsimula ang termino ni Duterte noong Hunyo 30, 2016, nang siya ay nanumpa bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas.

“Gusto rin niyang siguraduhing maayos ang transition patungo sa susunod na administrasyon ng kung sino man ang pipiliin ng taumbayan sa halalan,” dagdag pa ng Senador.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Sinisiguro din ni Go ang maayos na paglipat ng kapangyarihan para sa susunod na lider ng bansa.

Hinggil naman sa usapin ng pag-endorso ni Duterte sa isang kandidato sa pagkapangulo, muling iginiit ni Go na ang Pangulo lamang ang gagawa ng pinal na desisyon kung sino ang ieendorso, kung mayroon man itong napupusuan.