Inanunsyo ng mga gobernador ng New York at Massachusetts na tutuldukan na nila ang mandatory na pagsusuot ng face mask kasunod ng bahagyang paghupa ng COVID-19 surge.
Sinabi ni New York city Governor Kathy Hochul hindi na nila iri-require ang pagsusuot ng mask basta mapatunayan ng isang tao na siya ay bakunado na bago makapasiok sa isang indoor na public place.

Aminado si Hochul na hindi pa tapos ang pandemya pero nasa kumbinsidp siyang nasa tamang direksyon na ang lahat kaya naman gumaya na sila sa ibang mga state leaders na nagpaplanong alisin ang mask rules.
Samantala, nakatakdang alisin na ang pagsusuot ng face mask ng mga estudyante, mga guro at school staff sa Massachusettes sa Pebrero 28.
Ayon kay Governor Charlie Baker, kampante siyang mas may panlaban na kanilang mga mamamayan kasama ang mga bata matapos maitala ang kanilang estado bilang ikalawang mayroong highest vaccination rate sa mga bata sa buong America.
Nilinaw naman ni Baker na sa kabila nito, mayroon pa ring karapatan ang mga school districts na mag-require ng pagsusuot ng face mask sa kanilang mga estudyante.