Go pinuri si PRRD sa pagpapalabas ng pondo para sa World Teacher’s Day Incentive Benefit

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpapalabas sa P910 million sa Department of Education para maabot ang budget criteria para sa World Teacher’s Day Incentive Benefit.

Ayon kay Go, ang pagbibigay ng naturang insentibo sa mga public school teachers ay pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan nila sa nation-building, at patunay sa pagpapahalaga ng gobyerno sa kanilang mga sakripisyo lalu na sa panahon ng pandemya.

“Teachers’ critical role in ensuring the continuing delivery of learning has become particularly more challenging, as the country battles the COVID-19 pandemic and the educational sector adapts to the new normal,” saad ni Go.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Una nang hinimok ng senador ang national government na magbigay ng karagdagang suporta para sa public school teachers, dahil sa hirap ng kanilang hinaharap bilang resulta ng COVID-19 pandemic.

“Patuloy natin dapat sinusuportahan ang mga guro, lalong-lalo na ngayong pandemya. Hindi madali ang panahon ngayon. Naging mas challenging pa ang pagtuturo dahil nahaharap tayo sa maraming pagsubok, lalo na sa blended learning na ipinatutupad sa mga paaralan,” pahayag pa nito.

Sa kabila ng hamon ng blended learning approach, sinabi rin nito na kailangan manatiling prayuridad ang edukasyon, kasabay ng kanyang pangakong susuportahan ang mga polisiya para sa pagpapalakas sa education sector habang iniingatan ang kalusugan at kapakanan ng mga estudyante at guro.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Matatandaan na naghain si Go ng Senate Bill No. 396 noong 2019 para ma-expand ang purposes at application ng Special Education Fund na iminungkahi nito na gamitin bilang operation at maintenance ng public schools, payment ng salaries, allowances at iba pang benepisyo ng teaching at non-teaching personnel, competency trainings para sa mga teaching personnel, operation ng Alternative Learning System, kabilang na ang payment ng salaries, allowances at iba pang benepisyo ng ALS facilitators; educational research; teaching aids, at iba pang instructional materials, maraming iba pa.