Nakiusap sa national government ang mga mayor sa bansa na dagdagan ang isinusuplay na bakuna sa mga lungsod at bayan.
Ito ay para mas mapabilis na maabot ang target na herd immunity o mabakunahan ang 70% ng total population ng isang lugar.
Ayon kay Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr, nagpatawag ng virtual meeting ang Department of Interior and Local Government at isa sa mga napag-usapan ay ang hindi patas na hatian sa suplay ng bakuna.
Sabi pa ni Paulino, kung marami ang suplay na nakakarating sa Olongapo ay tiyak na hindi lang 30thousand individuals ang nabakuhan na ngayon sa lungsod.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Olongapo City Information Center
