Go, hinimok ang PH na igiit ang natl interest sa Ayungin Shoal

Hinimok ni Senator Christopher Lawrence “Bong” ang gobyerno ng Pilipinas na ipagpatuloy ang pag-gigiit sa interests ng bansa, sa gitna ng bagong insidente sa Ayungin Shoal na kinasasangkutan ng Chinese Coast Guard.

“Ang sa Pilipinas ay para sa Pilipinas,” saad ni Go kasabay ng pagsasabing ang Ayungin Shoal ay isang mahalagang bahagi ng bansa.

Una nang kinondena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong insidente sa Ayungin Shoal, at ipinanawagan sa lahat ng claimants na ipatupad ang self-restraint at iwasan ang pag-igting ng tensyon.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ang naturang panawagan ay senegundahan rin ni Senator Go at iginiit na ang insidente sa Ayungin Shoal ay welcome opportunity para sa lahat ng stakeholders, na tinukoy nito bilang “responsible members of the international community,” na sundin ang kanilang mga commitments at responsibilidad sa ilalim ng international law.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

“We are all responsible members of the international community.  And I urge all stakeholders to exercise restraint and abide by their commitments and responsibilities under international law,” saad ni Go.

“Pagkakataon ito na maipamalas ng lahat ng bansa rehiyon sa peaceful settlement of disputes,” dagdag ng mambabatas.