Nakiisa si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at iba pang mga opisyal ng gobyerno sa General Santos City, para suriin ang bago lang na kakokompletong General Santos City Airport (GSIA) at seaport developments sa Port Makar.
Ang naturang mga proyekto ay bahagi ng Build Build Build program.
Ang bagong navigational aids at bagong developments ay ginawa sa GSIA, habang ang Passenger Terminal Building ay triniple rin ang lawak sa 12,240 square meters mula sa 4,029.
Ang major upgrade ay magbibigay daan sa palipran na maaccommodate ang nasa dalawang milyong mga tao bawat taon, o halos madoble ang kanilang pre-pandemic annual passenger capacity na 1.05 million.

Binigyang diin ni Go ang kahalagahan ng pag-sustain sa mga programa at proyekto ng Duterte Administration, gaya ng Build Build Build Program.
Iginiit ng senador na bilang archipelago, kailangan ng bansa ng interconnectivity sa pamamagitan ng infrastructure projects gaya ng airports, seaports, mga kalsada at tulay.
“Hindi ko po hahayaan na masayang ang nasimulang magagandang proyekto na nakapagpaangat ng pamumuhay ng sambayanan. The Duterte Administration has already mapped out concrete plans to sustain our nation’s gains amidst unprecedented challenges. All we have to do is to continue to enforce, implement, and improve these programs all for the welfare of our Filipino people,” saad ni Go.
“I agree that the Build, Build, Build program is a banner achievement of the Duterte Administration and I also believe that we can use the Build, Build, Build program to fuel our economic recovery,” dagdag pa ng senador.