NAGA CITY- Pinalawig pa ang General Community Quarantine with Heightened Restrictions sa Naga City hanggang sa Agosto 31, 2021.
Ito ang pinakahuling quarantine classification mula sa Malacañang base na rin sa rekomendasyon ng Inter Agency Task Force. Asahan na ipagpapatuloy ang mga protocols na ipinasusunod na simula pa noong nagdaang buwan.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan na nababalanse ang COVID- response at ekonomiya. Bukod sa mga programa ng lungsod tulong pampuhunan ng mga maliliit na negosyante, lalo ring itinutulak ang pagkakaroon ng safety seal certification ng mga business establishments.
Ayon kay Mayor Nelson Legacion, kabilang sa benepisyo nito ay ang karagdagang maaaring i- accommodate na costumers batay sa assessment.