Opisina ni Sen. Bong Go nag-abot ng tulong Cagayan province

Daan-daang mga mahihirap na pamilya ang nakatanggap ng tulong mula sa opisina ni Senador Christopher Bong Go sa isinagawang relief operations sa Cagayan province

Sa video message ni Senador Go sa Allacapan Municipal Gym sa Tuguegarao City, at Brgy. Centro Uno Covered Court sa Tuao, hinimok nito ang publiko na sumunod sa mga health protocols ng gobyerno para makaligtas sa banta ng COVID-19.

Read More:  DA issues notices to 36 rice retailers for violating imported rice price cap

Hinikayat ni Go ang lahat na magpabakuna kontra COVID-19 upang maprotektahan ang kanilang sarili at ang buong komunidad mula sa nakamamatay na sakit.

Samantala labis naman ang pasasalamat ng mga benipisaryo sa mga natanggap na tulong mula sa Senador.

Isa na dito ang tricycle driver at vendor na si Sonny Garcia na hirap na hirap umano igapang ang kanyang pamilya dahil na rin sa epekto ng pandemic sa kanilang lugar.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Kaya naman napakalaking bagay na umano dahil hindi nakakakalimutan nina Pangulong Duterte at Senador Go ang mga mahihirap katulad nila na nakatanggap ng cash aid, libreng pagkain, groceries, masks, face shields, at vitamins sa isinagawang relief operations.