Gasa (medical gauze) na 4 buwang na stock sa tiyan ng isang ginang sa Camarines Sur ; imbestigasyon ng ospital gumugulong na

NAGA CITY- Nadismaya ang isang ginang sa pampublikong ospital na nasa Naga City, makalipas ang apat na buwan matapos na manganak natuklasan nitong kaya pala hindi siya lubusang gumagaling dahil naiwan sa kanyang tiyan ang gasa (medical gauze) , matagal niyang inakalang bukol na ito.

Kwento ni Rose Mendez-Pancho, pinatinggan niya na sa isang opsital sa Partido Area ang kaniyang kalagayan noon pero hindi na detect at nito ngang nagdaang araw ang kaniyang asawa ang nakatanggal ng naturang gasa nang makita ang para bang tela nang magpapalagay sana siya ng gamot. Hindi na ikinuwento ang lahat dahil sa sensitibong detalye.

Nagpasya si Pancho na magpacheck up kahapon upang matiyak na wala nang natira sa kaniyang tiyan. Sinabi sa Brigada News FM ng first time mommy na si Mendez na, wala nang tira at nabigyan na siya ng gamot.

Samantala sinabi sa BNFM ng pamunuan ng Bicol Medical Center na naipaabot na sa Department of Obstetrics, na gumugulong na ang imbestigasyon. Oras na makompleto,  agad namang magbibigay ng pahayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *