Gal Gadot, isinilang ang kaniyang ikatlong sanggol

Isinilang na ng Hollywood actress na si Gal Gadot ang ikatlong sanggol nila ng kaniyang mister na si Jaron Varsano.

Sa kaniyang Instagram account, ay ibinahagi ng “Wonder Woman” star ang litrato ng kanilang pamilya na kasama ang kanilang bunso na si Daniella.

Sinabi ni Gal sa caption nito, “My sweet family. I couldn’t be more grateful and happy (and tired) we are all so excited to welcome Daniella into our family. I’m sending all of you love and health,”

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Na-post rin ni Jason ang parehong litrato sa kaniyang Instagram account kung saan ay nagbigay pugay siya sa kaniyang asawa.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ayon kay Jason, “happy and grateful” sila sa pagkakasilang ng kanilang bagong anghel.

Tinawag rin ni Jason si Gal bilang isang “lioness”.

Matatandaan na inanunsyo ni Gal na ipinagbubuntis niya ang kaniyang ikatlong anak matapos niyang lumabas sa 2021 Golden Globes noong Pebrero.