Maliban sa lungsod ng Tanuan at bayan ng Talisay sa Batangas ay sinabi ng PHIVOLCS na nakarating na ang volcanic smog na mula sa Bulkang Taal sa ilang bahagi ng Metro Manila at sa mga kalapit nitong probinsya.
Ipinunto ng PHIVOLCS sa huli nitong bulletin na kumalat ang tinawag nito bilang “vog” sa ilang bahagi ng Batangas, Laguna, Cavite, Bulacan, Pampanga, Bataan at Zambales.
Kinumpirma na rin ng PHIVOLCS na ang haze na nakita sa National Capital Region, na unang napaulat na galing sa smog na idinulot ng human activities, na may taglay ito na sulfur dioxide.
Ayon sa PHIVOLCS, meron 1-kilometer warm layer ng hangin ang pumipigil sa mas malamig na hangin na malapit sa kalupaan na makaangat na dahilan para ma-trap ang pollutants at maipon ang smog sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.

Inihayag rin ni PHIVOLCS officer-in-charge Renato Solidum na maaring mag-dissipitate ang temperature inversion sa loob ng 24-48 oras.
Pinayuhan naman ni Solidum ang mga tao na hangga’t maari ay huwag munang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan.
Hinimok naman ng PHIVOLCS ang mga residente ng Batangas, lalo na sa mga nakatira sa paligid ng Taal Lake, na magsuot ng N-95 masks, at isara ang mga bintana at pinto upang maharang ang pollutants.
Maari kasi ito maging sanhi ng irritation sa lalamunan at kahirapan sa paghinga.