G7, napuna ang China; imbestigasyon sa origins ng COVID-19, isinulong!

Naglabas ang Group of Seven leaders ng pahayag laban sa China kung saan ay napuna ito dahil sa sitwasyon ng human rights sa XinJiang, nasabihan na panatilihin ang high degree ng autonomy sa Hong Kong, at hiningi ang buo at malalimang imbestigasyon sa origins ng novel coronavirus.

Nag-isyu rin ang mga lider ng makakapangyarihang bansa ng final communique na tumatalakay sa mga sensitibong isyu na kinahaharap ng China kabilang na ang alitan nito sa Taiwan.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Sinabi ng G7 na isusulong nila ang kanilang mga values, kung saan ay hihimukin nila ang China na respetuhin ang lahat ng karapatang pantao at fundamental freedoms.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Hiniling rin ng G7 ang timely, transparent, expert-led, at science-based WHO-convened Phase 2 COVID-19 Origins study.

Bago pa inilabas ng G7 ang mga kritisismo nito ay nagbabala na ang China sa mga lider ng G7 na tapos na ang panahon na dinidisisyunan ng maliliit na grupo ng mga bansa ang kapalaran ng buong mundo.