Focus crimes sa bansa, bumaba ng 28 porsyento nitong buwan ng Enero

Iniulat ng Philippine National Police na bumaba ang 28 porsyento ang focus crimes sa bansa nitong buong buwan ng Enero.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo, mayroong naitalang 2, 301 na focus crimes sa nabanggit na panahon na mas mababa sa 3,223 na iniulat sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Read More:  Gatchalian urges faster rooftop solar permit process

Kabilang sa Focus Crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, vehicle theft at motorcycle theft.

Sinabi ni Col. Fajardo na ang patuloy na pagbaba ng krimen sa tulong ng mga mamayan, ay nagsisilbing inspirasyon sa mga pulis upang mas pagbutihin ang kanilang trabaho.

Read More:  Ex-DPWH Chief Bonoan to testify against Martin Romualdez

Giit ni Fajardo, batid ng mga pulis ang kanilang mandato, at mananatiling tapat sa pagtupad ng kanilang tungkulin.