Mga timbangan sa NCPM sinuri!

NAGA CITY – Mahigit 100 nang timbangan sa Naga City People’s Mall at sa mga negosyong gumagamit nito, nasuri na ng Market Enterprise and Promotions Office, sa umarangkadang Oplan Timbangan sa lungsod.

Kung saan sa panayam kay Ramon Florendo, Head ng MEPO at Market Superintendent ng NCPM, magandang balita dahil walang awtomatikong nakumpiskang mga timbangan at lahat ay na-isailalim sa callibration o pagsasa-ayos sa tamang timbang, ilan din ay rehistrado na.

Read More:  Four CPSU graduates enter 2026 LET top rankings

May mga negosyo pa ang nakatakdang pupuntahan ng grupo, maging sa mga barangay, lalo na’t ilan na rin sa mga establisemento nagrequest na sa kanila.

Ang ipinakiki-usap lamang ng opisyal, ay dapat boluntaryong ipasuri ang mga timbangan dahil may mga insidente noon na kahit dalawa ang timbangan isa lang ang ipinapakita, maliban kasi pinuprotektahan na walang dayaang nangyayari, iniisip na rin ang pakanan ng bawat mamimili, kasabay ang maprotektahan rin ang mga manininda na ang iba ay hindi alam na hindi na pala tama ang kanilang timbangan.

Read More:  Top NPA leader killed in Surigao del Sur encounter