Matataas na lider ng Vietnam, bilib kay Pang. Marcos

Pinapurihan ng matataas na lider ng Vietnam si Pangulong Bongbong Marcos dahil sa magandang pagpapatakbo nito sa ekonomiya ng bansa, sa kabila ng mga hamon sa pandaigdigang merkado.

Sa kanilang pagpupulong, binati ni Vietnam President Vo Van Thuong si Pangulong Marcos dahil sa mahusay anya nitong pamumuno sa socio-economic, foreign policies, at security and defense.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon pa kay Thuong, mula nang maupo ang Presidente ay marami na itong napagtagumpayan, tulad ng paglago ng ating ekonomiya.

Sinabi naman ni Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh na nais nitong matuto sa economic strategy at leadership style ni Pangulong Marcos, na dapat dae tularan ng mga lider ng kanilang bansa.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Nabatid na sa ulat ng PSA, pangalawa ang Pilipinas sa buong Asya na may pinaka mataas na paglago ng ekonomiya sa taong 2023.