SWS: 49% ng mga Pilipino ramdam na sila ay mahirap

Lumalabas sa survey ng Social Weather Stations na 49% percent ng pamilya Pilipino ay ramdan na sila ay mahirap.

Batay sa resulta ng national Social Weather Survey na isinagawa mula April 28 hanggang May 2, nasa 33% ang nag-rate sa kanilang sarili bilang borderline poor at 17% naman ng pamilya Pilipino ang nag-rate sa kanilang sarili bilang hindi mahirap.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Ayon sa SWS, ang resulta ay kapareho sa survey na isinagawa noong November 2020, kung saan tanging 16% ang nag-rate sa kanilang sarili bilang “not poor”, 48% ang “poor”, at 36% ang “borderline poor”.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Kaugnay nito, lumalabas rin sa resulta ng survey na 30% ng pamilyang Pilipino sa Metro Manila ay nagbigay ng rate sa kanilang sarili bilang not poor, 31% ang nagsabing sila ay nasa borderline poor, at 39% ang nagsabing sila ay “poor”. // MHEL PACIA-TRINIDAD