Fingerprint analysis ng COMELEC kay Mayor Guo, posibleng mailabas na sa susunod na linggo

Inaasahang mailalabas na sa susunod na linggo ng Commission on Elections ang resulta ng kanilang imbestigasyon laban kay suspended Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay COMELEC Chairperson George Garcia, binigyan ng 2 linggo ang fact-finding committee na binuo ng Comelec para kumpletuhin ang imbestigasyon.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Posibleng lumabas na umano sa susunod na linggo ang fingerprint analysis.

Samantala, tiniyak naman ni Garcia na mabibigyan ng pagkakataon ang alkalde na makatugon sa finding at rekomendasyon ng komite.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Mababatid na ipinag-utos ni Garcia na alamin kung may nagawa ba si Guo na material misinterpretation sa kaniyang kandidatura noong 2022 elections – na siyang magiging batayan ng paghahain ng election offense.