BNFM Bicol- PUMALO na sa 632,277 ang bilang ng mga estudyanteng nagpa-enroll sa Bicol batay sa Learners Information System (LIS) Enrollment Quick Count ng Department of Education (DepEd) Bicol para sa S.Y. 2024-2025 na ibinahagi ng ahensya, Martes, Hulyo 16.
Batay sa datos na ibinagi ng DepEd para sa iba’t ibang mga lalawigan ng rehiyon, nangunguna ang Albay na mayroong 125,027 bilang ng enrollees, sinundan ng Camarines Sur na may 90,605, ikatlo ang Camarines Norte na may 89,899, Masbate na may 76,637, Sorsogon na may 69,804, at Catanduanes na may 10,485.
Para naman sa datos ng iba’t ibang mga syudad, pinakamarami ang enrollees sa Sorsogon na mayroong 29,724, sinundan ng Naga na may 29,404, ikatlo ang Tabaco na may 25,916, Legazpi na may 23,241, Masbate na may 21,573, Ligao na may 21,515, at Iriga na may 18,447. # # # Nico Merciales, Intern
Photo from DepEd Bicol