BNFM Bicol- IPINAKITA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Bicol ang kanilang suporta sa kasalukuyang isinasagawang pagsasama ng dalawang information systems ng Philippine Statistics Authority (PSA) na Community-Based Monitoring System (CBMS) at Population Census (PopCen) sa rehiyon.
Ayon kay DILG Bicol Assistant Regional Director Jhoaden G. Lucero, malaki ang maitutulong ng mga nabanggit na data collection para sa pag-streamline ng social protection lists, i-optimize ang resource allocation, pagbabahagi ng impormasyon patungkol sa policy decisions, at paglikom ng tamang datos para sa informed decision-making.
Hinihikayat naman ng ahensya ang kooperasyon ng publiko na magbigay ng tama at sapat na mga detalye para sa nabanggit na 2024 PopCen at CBMS. # # # Nico Merciales, Intern
Photo from DILG Bicol