Factory sa South Korea, sumabog; 22 katao, patay

Sumabog at nasunog ang isang pabrika ng lithium battery sa Hwaseong, South Korea, na nagresulta sa pagkamatay ng 22 katao, na karamihan ay mga manggagawang Chinese.

Naganap ang insidente sa isang factory ng Aricell, nang bilang sumabog ang mga battery cell sa bodega na naglalaman ng humigit-kumulang 35,000 unit.

Nahirapan ang mga rescuer na apulahin ang sunog dahil sa tindi at lakas ng apoy.
Nahirapan din nilang kilalanin ang mga bangkay ng mga namatay.

Ayon naman sa Presidente ng South Korea na si Yoon Suk Yeol, sinusubaybayan nila ang sitwasyon

Sa ngayon, wala pa ring sagot ang kumpanya sa mga awtoridad kaugnay ng nangyaring pagsabog. (Brigada News Intern – Angela Brazas)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *