Gilas Pilipinas, tinalo ang Taiwan Mustangs sa exhibition game

Nasungkit ng Gilas PIlipinas ang panalo kontra sa Taiwan Mustangs sa score na 74-64, sa send-off friendly match sa PhilSports Arena, Pasig City.

Parte ito ng final build-up ng nationals para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na nakatakda sa susunod na buwan sa Latvia.

Pinangunahan naman ni Dwight Ramos ang Gilas, na may 19 points at nagtala ng apat na three points.

Ngunit naturalized forward na si Brownlee ay gumawa ng medyo mababang scoring output na may 12 puntos. (Brigada News Intern – Jaztine Cruz)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *