Pagdiriwang ng kaarawan ni Kyle Echarri, dinaluhan ng mga celebrity kids

Hindi malilimutang pagdiriwang ang naranasan ni Kyle Echarri sa kanyang 21st birthday kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Ginanap ang marangyag selebrasyo sa isang upscale rooftop bar & lounge sa Makati City na may Temang Black and White.

Muling nagkita ang Celebrity kids, kabilang ang kanyang mga besties sa Showbiz na sina Lorin Gutierrez at Venice Bektas na mga anak ni Ruffa Gutierrez; anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak; at celebrity twins na sina Cassy at Mavy Legaspi.

Dumalo din sina Sharon Cuneta at ang anak ni Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan, Andrea Brillantes, Leon Barretto, at ang anak ni Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Sam Cruz.

Nag record naman si Lorin ng TikTok video kasama ang Birthday boy at mga celebrity kids kung saan umani na ito ng milyong-milyong views. (Brigada News Intern – Marck Jay Lainez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *