Explosion Signal, naitala sa Mt. Pinatubo

Nakapag tala ang Pinatubo Volcano Network ng seismic at infrasound signal ng mahinag pagsabog sa Mt. Pinatubo kaninang tanghali sa pagitan ng 12:09-12:13. Na-detect ng Himawari-8 satellite ang plume, na agad ipinaalam sa PHILVOCS ng Tokyo Volcanic Ash Advisory Center.

Ayon sa PHILVOCS, ang seismic at infrasound signal ay hindi karaniwang maiuugnay sa volcanic process, kaya patuloy ang ginagawang evaluation ng ahensya sa posibleng pinagmulan o nakapag dulot nito tulad ng aircraft activity, o ordnance disposal at iba pa.

Gayunpaman nitong mga nakalipas na araw, naitala rin ng PHILVOCS ang very low seismic activity, at base sa kanilang Geochemical survey sa crater ng bulkan, meron itong low difuse na magmatic CO2.

Sa ngayon pinagbabawalan muna ang publiko na pumunta sa bisinidad ng Mt. Pinatubo.

Pinayuhan rin ang mga LGU na ipagbawal muna ang pagpasok ng publiko malapit sa crater ng bulkan, hanggat hindi pa natutukoy ang pinagmulan ng nasabing pagsabog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *