PH Genome Center, target na muling i-trace ang COVID samples

Nakikita ng Philippine Genome Center na kailangang balikan ang mga nakaraang COVID-positive samples para ma-trace ang posibleng kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.

Dahil dito, sinabi ni PGC executive director Cynthia Saloma na irereview ng biosurveillance team ang mga samples mula sa unang bahagi ng Nobyembre, nang madetect ang naturang variant sa South Africa.

Sa ngayon, wala pang nadedetect ang bansa na kaso ng Omicron variant, matapos mareview ang 18,000 samples.

Matatandaan na nadetect ng bansa ang unang local cases ng Delta noong Hulyo, pero batay sa retrospective sampling, lumalabas na ito ay nakapasok sa bansa noon pang Marso. //MHEL PACIA-TRINIDAD