Arestado ng mga kapulisan sa General Santos City si dating World Boxing Council champion Eden Sonsona.
Nahuli si Sonsona sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa lugar.
Ayon sa report sangkot ang dating WBC champion sa bentahan ng illegal drugs at matagal nang minamanmanan ng mga pulis.
Huling lumaban si Sonsona’s noong March 17, 2021 sa General Santos City kung saan natalo ito kay Rimar Metuda ng Cagayan de Oro City.
Magugunitang noong Mayo 2015, ng masungkit niya ang WBC international super featherweight title matapos ang technical knockout win laban sa Mexican prospect na si Adrian Estrella sa Mexico.
Noong 2010 naman nang makasama siya sa undercard ng bakbakan Manny Pacquiao-Joshua Clottey fight sa Arlington, Texas, kung saan pinabagsak niya si Colombian Mauricio Pastrana.