Evacuation centers sa Laurel Batangas, dinagdagan

Mula sa anim, nasa sampu na ngayon ang mga evacuation centers sa bayan ng Laurel Batangas.

Ito ay matapos na paigtingin ng lokal na pamahalaan ang pagpapalikas sa mga residenteng naiwan sa mga barangay ng Buso-Buso, Gulod at Bugaan East na pasok sa 7 km radius danger zone ng Bulkang Taal.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon kay Laurel Mayor Joan Amo, nasa 90 percent na ng kabuuang populasyon ng nasabing tatlong barangay ang nailikas at nananatili ngayon sa mga evacuation centers.

Bukod naman sa mga classroom, may mga karagdagang tents na rin ngayon sa bayan na matutuluyan ng mga bakwit.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Mababatid na nakasailalim na sa lockdown ang tatlong high risk barangay sa bayan ng Laurel.

Samantala, tinatayang nasa 6,000 pamilya na o katumbas ng 15,000 indibidwal ang mga nasa evacuation centers sa kasalukuyan sa Laurel at Agoncillo.