Record high na single-day recoveries sa COVID-19 naiulat sa Bicol ngayong araw; death toll sumampa na sa mahigt 600

BICOL—Pumalo na sa 11,845 ang total recoveries sa COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 355 na mga bagong gumaling.

50 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, 36 sa Sorsogon, tig-30 ang Albay at Camarines Sur at 200 sa Naga City. Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga gumaling na naitala sa isang araw sa rehiyon sa mga nagdaang araw.

Samantala, sumampa na sa 623 ang death toll matapos na madagdagan ng 26 kung saan 16 nito ay mula sa Camarines Sur, walo sa Naga City at tig-isa ang Albay at Sorsogon.

39 na bagong kaso naman ang naitala at pinakamarami ang mula sa Camarines Sur na umabot ng 35. Anim nito ay mula sa Naga City, anim rin sa bayan ng Pili, lima sa bayan ng Presentacion, tatlo sa bayan ng Bombon, tigdadalawa ang mga bayan ng Canaman, Goa, Ocampo, San Fernando at Tigaon at tig-iisa naman ang mga bayan ng Baao, Bula, Garchitorena, Pamplona at lungsod ng Iriga.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Apat na bagong kaso ang naitala sa Albay kung saan tatlo nito ay mula sa lungsod ng Legazpi at isa sa bayan ng Bacacay.

Zero new cases ang mga lalawigan ng Catanduanes, Masbate at Sorsogon habang bigong makapagsumite ng specimen ang lalawigan ng Camarines Norte.

Sa kabuuan, umaabot na sa 18,448 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region kung saan 5,980 (32.42%) pa nito ang active cases.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || SLM