Epekto ng pandemya ramdam pa rin ng mga business employer

CAMARINES NORTE – Hindi pa umano tuluyang nakakabangon mula sa epekto ng pandemya ang ilang business employer kaya may mga pagkakataong hindi nito nako- comply ang kanilang obligasyon kabilang na ang pagre- remit ng contributions ng kanilang mga empleado sa Social Security System.

Ayon kay Atty. Melanie Santiago ng Legal Department ng SSS Luzon Bicol Division, isa sa karaniwang dahilan umano na idinadaing ng mga employer ay  hindi pa ang mga ito gaanong kumukita na apektado pa rin ng pandemic.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

May mga iba naman daw na  dahil sa pagiging abala ay nakakaligtaan ang kanilang obligasyon sa SSS. Ito umano ang dahilan kaya naglulunsad ng Run After Contribution Evaders o RACE activity ang SSS para paalalahanan ang mga employer sa kanilang obligasyon. Dagdag pa ni Santiago na ang RACE ay hindi lamang para habulin ang mga erring employers kundi paraan din para matulungan silang i- setle ang kanilang obligasyon.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay