Social pension pay out sa bayan ng Basud, aarangkada na simula ngayong araw

CAMARINES NORTE – Aarangkada na simula ngayong araw, May 14, ang pay out para sa mga benepisyaryo ng Social Pension sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ngayong umaga ay naka- schedule ang pay out para sa social pensioners ng Barangay San Pascual, Tuaca, Caayunan, Plaridel, San Felipe at Guinatungan sa Barangay San Felipe para sa nasa 687 indigent senior citizens.

Sa hapon naman ay naka- schedeula ang Mantugawe, Binatagan, Pagsangahan, Langga at Laniton para  naman sa 425 na benepisyaryo na gagawin sa Barngay Langga.

Bukas, May 15 ay ang mga Barangay naman ng Mampili, Mocong, San Jose at Manmuntay ang naka- schedule habang sa hapon ay Matnog, Poblacion 1, Poblacion II at Bactas na ang venue ay sa Mocong.

Sa May 16 ng umaga ay ang mga Barangay ng Angas, Mangcamagong, Taba- Taba, Lidong at Mandazo na ang pay out ay gagawin sa Angas.

Sa hapon naman ay ang Pinagwarasan, Oliva, Taisan, Hinampacan at Tacad na ang venue naman ay sa Barangay Taisan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *